G- spot
mama patabi…
nakasilip si mama sa bintana…nanonood ng TV ng kapitbahay , bigla nalang may tumabi sa kanya…isang…isang…
…ANINO
kasabay ng biglang pagbihis ng ating lipunan sa isang makabagong mundong puno ng nakakamanghang istruktura ng nagtatayugang mga gusali, at lumalawak na kaisipan ng tao, tila isang bangungot ng ating kamalayan ang patuloy paring nabubuhay at pilit binubuhay sa isipan ng makabagong adan at eba.
hindi nga maitatatuwa na kahit ang mundo ay animo’y larawan ng isang napakatayog na pangarap ng tao…ito’y may kaakibat na puwersang pilit nagpupumiglas makawala para maipadama na hindi lamang tao ang nag iisa at namumuhay ng payapa sa mundong ibabaw.
Ako ay isang call center especialist dito sa lungsod ng davao. Ika nga nila, hindi biro ang magtrabaho sa isang call center. kelangan malakas ang iyong loob at hindi agad-agad matatalo ng anumang damdamin. Magdadalawang taon na akong namamasukan sa isa sa pinakamalaking call center sa davao at masasabi kong nabigyan ako ng malaking pagkakataong makilala at mabago ang mundong aking kinalakihan at kasalukuyang ginagalawan. Isa akong undegrad sa kursong Developmen Communication, subalit masasabi kong hindi naman ako alangan kung ikukumpara sa mga nakapagtapos. Naging Associate Editor-in-chief ako ng pahayagan ng aming unibersidad at ito ay isang napakalaking hamon sa aking abilidad.
Buwan ng Hulyo, transition period ng kumpanya at mula sa dating 4 am shift ay nalipat ako sa 8 pm graveyard shift na kung saan naging dahilan ng aking pagkakasakit ng halos isang linggo. Napakabait nga talaga ng Panginoon kasi hindi nya ako hinayaang maratay sa higaan ng mahaba habang panahon.
Nang dahil sa pangyayaring iyon, nagpasya sila mama at papa na pumunta ng davao at ako’y samahan. Minsan, hindi nako nakakauwi ng boarding house kung nagkakayayaan ang mga kasama sa trabaho.
Maulan ng gabing iyon, naunang umuwi ni mama sa cotabato dahil may aasikasuhin syang importante doon. Naiwan lamang si papa na mag isa sa boarding house dahil ng gabing iyon nagkaroon ako ng team building sa mga bago kung kasamahan.
Maghahating-gabi ng bigla nagising si papa at napadako ang kanyang tingin sa bukas na bintana…dahan-dahang nagsipagtayuan ang kanyang balahibo dahil naaninag nya ang isang mabalahibong kamay ng pusa na pilit pinapasok ang katawan sa bintana. Isang napakalaking pusa…
isang maitim at mabalahibong pusa…biglang napabalikwas si papa at agad pumunta ng kusina para kumuha ng palakol ngunit ng kanyang lingunin ay wala na ito sa bintana…simula noon hindi mapakali si papa. Nagawa nyang ilihim ito dahil sa susunod na linggo uuwi na sya ng cotabato at AKO LAMANG ANG MAIIWAN AT MATUTULOG SA BAHAY NA MAG ISA….NG MAG_ISA….
No comments yet.

