Versus

a clash of life…a clash for meaning…a clash for supremacy

Top 6 PDA 2 scholars faced Top 6 Big intrigas

The PDA2 Top 6 Scholars as they face there Top 6 intrigas

The PDA2 Top 6 Scholars as they face there Top 6 intrigas

Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos lumabas ng academy, noong September 21 sa The Buzz, humarap na ang PDA 2 Top 6 scholars para ayusin ang mga kontrobersyang ipinupukol sa kanila.

Una

Laarni Lozada, naging kontrabida nga ba dahil sa kanyang hindi magandang pag uugali sa academy?

Laarni Lozada, the PDA 2 Grand Star Dreamer, sumagot na sa intrigang lumalabas tungkol sa ugaling pinapakita niya sa loob ng academy at ang pagiging dahilan ng awayan ng kapwa mga scholars. Itinanggi ni Laarni sa kanyang interview sa The Buzz ang pagiging dahilan umano nito ng mga iringan sa loob ng academy. Ayun kay Laarni, ang video na ipinapakita sa taumbayan ay hindi buo at edited lamang ito kaya kung anu man ang nakikita ng taumbayan ay hindi ito ang kabuuan ng kung ano ang tunay na nangyayari sa loob.

Ayun pa sa 23 year old na taga Sultan Kudarat, inamin nitong sa unang tatlong linggo naging emosyonal sya dahil bahagi daw ito ng kanyang pag aadjust sa loob kabilang narin ang iba pang mga scholars, at itinanggi nitong may ugali syang hindi maganda.

Pangalawa

Bugoy Drilon may sama ng loob nga ba dahil hindi sya ang nanalo, patunay ang kanyang mga naging kontrobersyal na pahayag noong september 14?

At Bugoy Drilon, isa nga bang Bakla?

Sinagot na nga ni Bugoy na wala syang bahid ng anumang sama ng loob sa hindi nito pagkapanalo sa PDA 2 sa isang edition ng Boy & kris, at ngayon naman kanyang diretsahang sinagot na sya ay isang “BARAKO”.

Sa panayam ni Cristy Fermin kay Bugoy, na inunahan na nito ng isang malutong na tawa sabay sabing sa una palang nasabi na nya sa mga co-scholars na medyo malamya syang kumilos at magsalita pero sya ay isang lalake at nirerespeto nya ang opinyon ng ibang tao at diumano ay nirerespeto din nya ang Gay community.

Pangatlo

Miguel Mendoza, umalis nga ba ng bahay dahil napamper ng todo?

tahasang sinagot ni Miguel na ang dahilan nya sa pag alis ng bahay anim na buwan na ang nakalipas ay gusto nitong tumayo at ipakita na kaya nyang tumayo sa kanyang mga paa. Naungkat nga ang buhay ni Miguel, at napag alaman ng publiko na magkahiwalay ang mga magulang nito at kasalukuyang nakatira si miguel sa kanyang ama.

Pang-apat

Liezel Garcia, masama ang loob dahil hindi nakapasok sa Top 3?

Ipinaliwanag ni Liezel na hindi sumama ang kanyang loob dahil sa simula palang maligaya na di umano ang baguhang singer dahil nakapasok sya sa Top 6. Matatandaan ding si Liezel ay nagkaroon ng insecurities dahil sa kanyang kulay kaya siya ay naging isang NBSB [No Boyfriend Since Birth].

Panglima

Van Roxas,hindi daw itutuloy ang pag aartista dahil sa ina?

Ipinaliwanag ni Van Roxas na ipagpapatuloy pa rin nya ang kanyang bagong career at nakapag usap narin sila ng kanyang ina ukol dito, patunay ang pagpunta nila ng Zamboanga.

Noong nakaraang araw, sa isang edition ng umagang kay showbiz ni Ogie Diaz sa Umagang Kayganda, napabalitang si van ay may Gay Lover diumano, subalit nilinaw ng batang singer na wala umanong katotohanan ang mga napapabalitang intriga ukol dito.

Pang-anim

Cris Pastor, the Sultry singer

Cristina Pastor, itutuloy ang naputol na ugnayan kay Sen sa labas ng academy?

Inamin ni Cris na maayos naman ang naging relasyon nila ni Sen mula pa sa loob at maging sa labas patunay dito ang patuloy parin nilang pagkikita.

Matatandaang naging pinaka close ng dalaga si sen sa loob palang ng academy at nakitaan ang mga ito ng pagtatangi nga sa bawat isa

Please watch this episode of The Buzz dated September 21, 2008 courtesy of dekloy from www.youtube.com

nilinaw na nga ng anim na bagong mga mukha sa Singing industry ang kani-kanilang mga intriga sa pagpasok sa showbiz. Sa ngayon patuloy parin ang pag ikot ng mga balita sa kanilang buhay at sanay magtagumpay ang mga ito sa piniling karera.

September 24, 2008 Posted by dcknicks22 | Pinoy Dream Academy | , | No Comments Yet